Kawawa ang mga batang Pilipino.
Ang laruang kilala’y oso’t kangaroo.
Bakit nga ba ‘di maaaring yakapin
ang sarili nating kalabaw o kambing?
[Nalathala ang tulang ito sa Heights Vol. XLVII No. 2 (1999): 62. Pagkatapos, napili ito upang mapasama sa antolohiyang Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kuwento 1999 na pinamatnugutan nina Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera at Jun Cruz Reyes. Halos labinlimang taon na simula nang nasulat ko ang tulang ito; mayroon siyempreng stuffed toys na kalabaw, pero hindi iyon ang punto ng tula, sa palagay ko.]
Filed under: Bibliography
