Nitong nagdaang Miyerkules (Mayo 15), pumunta kaming magkakaibigan sa Kagawaran sa Lucban, Quezon sa paanyaya ni Tin Romero para saksihan ang Pahiyas, ang pista ng pagdiriwang para kay San Isidro San Labrador. Umalis kami nang ala-una nang madaling araw sa Quezon City at nakarating kami sa Lucban nang pasado alas-kuwatro ng umaga. Ito ang unang pagkakataon na nakadalo ako ng Pahiyas, at nakita ko na rin sa wakas ang inaanak kong si Esperanza, anak ni kumpareng Joey delos Reyes na kaibigang manunulat na nakatira sa Lucban. Matindi ang kompetisyon ng mga kalahok. Alam mong pinaghandaan ng buong bayan. Narito ang ilan sa mga kinunan ko ng larawan sa paglilibot-libot sa mga lansangan ng bayan ng Lucban:
Bukas ko ipo-post ang larawan mula sa parada noong hapon ng Pista.
Filed under: Event, tête-à-tête, Travel Tagged: Fiesta, Lucban, Pahiyas, Philippine Fiesta, Photograph, Photographs, Photography, Photos, Quezon, Southern Tagalog
