Alas-tres n.h. nang sinimulan ang Parada ng Pahiyas sa Lucban, Quezon. Pumuwesto na ako sa Daang Rada, malapit sa Kalyeng Mabini na siyang kinatitirikan ng bahay ng angkan nina Tin, ang kaguro’t kaibigan sa Kagawaran na nag-imbita sa amin. Nagsimula ang parada sa mga kalahok sa Parikitan, pagkatapos ay sumunod ang parada ng pansit, kalabaw, kabayo, at saka nagwakas sa mga Higantes na nagtampok kina Manny Pacquiao, Superman at iba pang tauhan ng kamalayang popular. Nasa ibaba ang ilang larawan na kinunan ko mula sa parada.
Filed under: Event, tête-à-tête, Travel Tagged: Fiesta, Higantes, Lucban, Pahiyas, Parikitan, Photograph, Photographs, Photography, Photos, Quezon, Southern Tagalog
